Ngayong araw, ika-23 ng Marso, ay World Meteorological Day. Nitong ilang araw na nakalipas, idinaos sa iba't ibang lugar ng Tsina ang maraming aktibidad ng pagpapalaganap, lalong lalo na sa Yunnan, Guizhou, Guangxi at iba pang rehiyong nasalanta ng nakapalaking tagtuyot, at sa pamamagitan ng pagkakataong ito, aktibo nila pinapalaganap ang siyentipikong pakikibaka sa tagtuyot.
Sa probinsyang Yunnan, ini-organisa ng pamahalaang lokal ang mga dalubhasa na magliwanag ng kaalaman ng pakikibaka sa tagtuyot sa mga mamamayan. Ang dahilan ng paglitaw ng tagtuyot at kung paanong mapapalipas ang kalamidad na ito ay naging pokus na pinagtutuunan ng pansin ng mga mamamayan. Ini-organisa pa ng kawanihang meterolohikal ng Yunnan ang ilanpung propesyonal na tauhan para maisagawa ang imbestigasyon sa mga purok ng tagtuyot at aktibong makilahok sa pakikibaka sa tagtuyot.
Salin: Sissi