Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kabuhayan ng Tsina, lumaki ng 11.9% sa unang kuwarter

(GMT+08:00) 2010-04-15 18:47:46       CRI
Ipinalabas kahapon ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina o NBSC, ang estadistika hinggil sa takbo ng kabuhayan ng Tsina sa unang kuwarter. Ang kabuuang halaga ng produksyong panloob (GDP) ay lumaki ng 11.9% kumpara sa gayon din panahon ng tinalikdang taon, ang consumer price index o CPI ay tumaas ng 2.2%. ipinalalagay ni Li Xiaochao, tagapagsalita ng NBSC na lalo pang umuunlad ang tunguhin ng pagiging mabuti ng kabuhayan ng Tsina, at sa taong ito, maaaring isakatuparan ang target ng 8% na paglaki.

Sa unang kuwarter, ang GDP ay lumanpas ng 8 trilyong yuan RMB na lumaki ng 1.9% kumpara sa gayong din panahon ng tinalikdang taon. Ang added value ng mga may takdang saklaw na bahay-kalakal na industriyal pataas sa buong bansa ay lumaki ng 19.6% kumpara sa gayon din panahon ng tinalikdang taon. Hinggil sa duda kung magiging labis na mainit o medyong mainit ang kabuhayan ng Tsina, negatibo ang pagsagot ni Li Xiaochao. Sinabi niyang:

"ang naturang paglaki ay bunga ng pagpapasigla ng patakaran. Bukod dito, sa anggulo ng rate ng paggamit ng production capacity, ang rate ng paggamit ng production capacity ng mga may takdang saklaw na bahay-kalakal na industriyal pataas sa unang kuwarter ay 80.6% na lumaki ng 2.1% kumpara sa ika-4 na kuwarter ng nakaraang taon, ito ay nananatiling nasa isang normal na saklaw."

Noong unang kuwarter, ang kabuuang halaga ng tingian ng consumer products na panlipunan ay lumaki ng halos 18%. Sinabi ni Li na ang pangangailangang panloob ay naging masusing puwersang tagapagpasulong ng paglaki ng kabuhayan ng Tsina. sa larangan ng kalakalang panlabas, datapuwa't ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas sa unang kuwarter ay lumaki ng mahigit 40% kumpara s gayon din panahon ng tinalikdang taon, naganap rin sa Tsina ang 7.24 bilyong dolyares na trade deficit sa nakaraang buwan. Ito ay dahil sa malakas na paglaki ng pangangailangang panloob at ito ay nagdulot ng malaking paglaki ng pag-aangkat, ngunit, hindi optimistiko ang kapaligirang panlabas na kinakaharap ng Tsina, nanantiling mahina ang pangangailangang panlabas. Sinabi ng opsiyal na ito na pananatilihin ng Tsina ang pagkamatatag at pagkasustenable ng patakaran ng makro-kabuhayan. Ngunit, kasabay ng pagiging mabuti ng kabuhayan, pinahahalagahan din ng Tsina ang plaksibilidad at episiyensiya para isakatuparan ang target ng 8% na paglaki ng buong taon.

Tinukoy din ng mga estadistika na ipinalabas nang araw rin iyon na sa unang kuwarter, ang CPI ay lumaki ng 2.2% kumpara sa gayon din panahon ng tinalikdang taon. At ang pagtaas ng presyo ng mga pagkain ay lumanpas ng 5%.Hinggil dito, ipinahayag ni Li Xiaochao na:

"una, napakalaki ng tail-raising factor. Ikalawa, napakalaki ng epekto ng klima na tulad ng mababang temperatura, ulan at niyebe. "  

Sinabi rin ni Li na ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing kailangan sa daigdig ay dumagdag ng presyur ng import of inflation, at mabilis ang tumaas ang presyo ng produktong industriyal sa loob ng bansa, at ang presyo ng pagbili ng mga hilaw na materiyal at panggatong, may ilang kahirapan at presyur para kontrolin ang 3% na paglaki ng CPI sa buong taon. Ngunit, nanantiling optimistiko siya sa pagsasakatuparan ng naturang target.

Salin:Sarah

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>