Idinaos ngayong araw ng National Copyright Administration ng Tsina at World Intellectual Property Organization ang magkasanib na news briefing kung saan ipinalabas ang resulta ng survey hinggil sa pangangalaga sa copyright ng pamilihan ng paghahabi sa Nantong, lunsod sa silangang Tsina.
Ang pamilihan ng paghahabi sa Nantong ay pinakamalaking ganitong pamilihan sa Tsina. Nitong ilang taong nakalipas, nabuo dito ang isang kumpletong sistema ng pangangalaga sa copyright ng industriya ng paghahabi. Sa news briefing, binigyan ng nabanggit na dalawang organo ng positibong pagtasa ang ginawa at karanasan ng Nantong at nanagawan silang palaganapin ang mga ito.
Salin: Liu Kai