|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||

Patuloy pa ang malakas na ulan sa kahabaan ng Ilog Yangtze ng Tsina. Habang nananatiling mataas o tumataas pa ang lebel ng tubig sa gitna at ibabang bahagi ng ilog na ito, nabubuo ang isang malaking baha sa itaas na bahagi ng ilog. Sa kasalukuyan, mahigpit ang kalagayan ng paglaban sa baha sa Ilog Yangtze at buong lakas na ginagawa ng mga lugar sa kahabaan nito ang paghahanda para sa paglaban sa baha at pagliligtas.

Ayon sa pagtaya ng Yangtze River Hydrology Bureau, ang kasalukuyang baha ay mas malaki kaysa baha noong 1998 na nagdulot ng malaking kapinsalaan sa bansa. Kaugnay nito, humiling kahapon ang Pambansang Pamunuan Laban sa Baha at Tagtuyot ng Tsina sa iba't ibang lugar sa kahabaan ng Ilog Yangtze na lubos na mapagtanto ang mahigpit na kalagayan at buong lakas na gawin ang paghahanda para sa paglaban sa baha at pagliligtas.
Salin: Liu Kai
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |