
Napag-alaman kamakailan ng mamamahayag mula sa Shanghai Gold Exchange (SGE), kasunod ng pagtaas ng presyo ng ginto at pilaksa pamilihang pandaigdig na lumikha ng rekord sa kasaysayan, sa Tsina naman, ang presyo ng ginto at pilak ay lumikha kahapon ng bagong rekord sa kasaysayan.
Sapul nang pumasok sa taong ito, hindi pa matatag ang kalagayan ng pagbangon ng kabuhayang pandaigdig at madalas ang fluctuation ng pamilihan, sa kalagayang ito, tumataas ang presyo ng mga precious metals na gaya ng ginto at pilak. Ayon sa pagtaya, lumaki nang mahigit 14% ang presyo ng ginto sa Tsina sa taong ito, at lumaki naman nang mahigit 11% ang presyo ng pilak.
salin:wle