Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mas maraming tao, nag-i-enjoy ng magandang pamumuhay na bunga ng Asian Games

(GMT+08:00) 2010-11-02 17:57:21       CRI

Sapul nang matagumpay na magbid ang Guangzhou sa pagtatangkilik ng ika-16 na Asian Games noong Hulyo ng 2004, walang humpay na sumusulong ang iba't ibang gawaing preparatoryo. Sa kasalukuyan, ganap na nagkabagong-anyo na ang Guangzhou at buong pananabik na aantabayanan nito at ng mga residente roon ang pagbisita ng mga kaibigan mula sa loob at labas ng Tsina para magkasamang magpapasasa ng magandang pamumuhay na dulot ng Asian Games.

Sa proseso ng paghahanda para sa Asian Games, isinagawa ng Guangzhou ang komprehensibong pagsasaayos sa kapaligiran sa mga aspektong gaya ng tubig, hangin, human settlements at trapiko. Ipinahayag ni Ginoong Wan Qingliang, alkalde ng Guangzhou at pangalawang tagapangulo ng Lupong Tagapag-organisa ng Guangzhou Asian Games, na sa pamamagitan ng pagsasaayos, lumitaw ang napakalaking pagbabago sa imahe ng Guangzhou.

"Iniharap naming 'salubungin ang Asian Games at likhain ang bagong pamumuhay', ibig sabihin, sa pamamagitan ng pagtataguyod ng Asian Games, makakalikha ng bagong kapaligiran ng pamumuhay para sa mga taga-Guangzhou, magkakaloob ng bagong kondisyon ng pamumuhay, papatnubay sa bagong pangangailangan ng pamumuhay at magpapataas ng kalidad at lebel ng pamumuhay."

Kasabay ng paglapit ng Asian Games, pinag-iibayo ng Guangzhou ang gawain ng pagsasaluntian at pinaplanong dagdagan ang luntiang lupa sa paligid ng maraming pangunahing lansangan. Ang Dongfeng East Square ay isa sa mga halimbawa. Ayon sa salaysay ni Ginoong Chen Xiaoquan, opisyal ng Yuexiu District ng Guangzhou, magkakaloob ang Dongfeng East Square ng isang lugar ng paglilibang sa mga residente.

"Dahil kulang sa mga punog-kahoy sa sonang sentral, itinanim namin ang mga malalaking puno sa mga kaingin at maginhawa kung magpapahinga sa lilim ng mga punong-kahoy. Bukod dito, kinabitan pa ng mga bangkito at fitness equipments para ipagkaloob ang isang espasyo ng paglilibang at pagpapalakas ng katawan sa mga residente."

Ikinasisiya ng mga residente ang isinaayos na kapaligiran. Sinabi ni Chen Fang, isa sa mga taga-Guangzhou na,

"Pagkatapos ng pagsasaayos, nakikita namin ang bulaklak, damo at punong-kahoy sa bawat sulok ng lunsod at naging isang lunsod ng bulaklak ang Guangzhou."

Gagamitin ng Guangzhou Asian Games ang 70 gymnasiums na kinabibilangan ng 53 lugar na pagdarausan ng laro at 17 nagsasariling lugar ng pagsasanay. Kaugnay nito, Ipinahayag ni Ginoong Xu Ruisheng, pangalawang alkalde ng Guangzhou, na lubos na isinaalang-alang sa konstruksyon ng mga gym ng kasalukuyang Asian Games ang punksyon pagkatapos ng paligsahan para makapaghatid ng benebisyo ng Asian Games sa mga mamamayan.

"Ang isa sa mga layunin ng pagtatatag ng mga lugar na pagdarausan ng laro ng Asian Games ay para lubos na magtatamasa ang mga residente ng bunga ng pagtataguyod ng Asian Games. Pinahahalagahan ng Guangzhou sa pagdidisenyo at pagpaplano ng mga lugar na pagdarausan ng laro ang pag-unlad ng lunsod at pangangailangan ng pambansang physical activity. Pinapalakas ang pagkakaiba-iba ng punksyon ng mga lugar na pagdarausan ng laro at pinapabuti ang kinauukulang pasilidad sa paligid nito."

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>