Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Wen Jiabao: Asiad, mahalagang plataporma para sa pagpapalitan at pagtutulungan ng rehiyon

(GMT+08:00) 2010-11-12 19:24:10       CRI
Sa kanyang pakikipagtagpo ngayong araw sa Guangzhou kina Sheikh Ahmad Al-Fahad Al-Sabah, presidente ng Olympic Council of Asia at Jacques Rogge, presidente ng International Olympic Committee, ipinahayag ni premyer Wen Jiabao ng Tsina na ang Asian Games ay isang maringal na aktibidad ng palakasan ng mga mamamayan ng Asya at mahalagang plataporma rin para sa pagpapalitan at pagtutulungan ng rehiyon.

Sinabi ni Wen na ginawa ng Tsina ang lubos na paghahanda para sa Guangzhou Asian Games at buong higpit na makikipagkoordina ang panig Tsino sa iba't ibang panig para maigarantiya ang tagumpay ng kasalukuyang Asiad.

Buong pagkakaisang ipinahayag naman ni Al-Sabah at Rogge na nananalig silang sa ilalim ng magkakasamang pagsisikap ng iba't ibang panig, magiging matagumpay ang Guangzhou Asian Games. Pinasalamatan din nila ang pamahalaang Tsino sa pagbibigay ng namumukod na ambag para sa Olympic Movement.

Salin: Liu Kai

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>