|
||||||||
|
||
Kinatagpo sa Guangzhou ngayong araw ni Liu Yandong, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista at Kasangguni ng Konseho ng Estado ng Tsina, si Somsavat Lengsavad, Pangalawang PM ng Laos na kalahok sa seremonya ng pagpipinid ng Guangzhou Asian Games.
Nagpahayag si Liu ng pasasalamat sa pamahalaan at mga mamamayang Lao sa pagkatig sa Guangzhou Asian Games. Sinabi rin niyang hinahangaan ng panig Tsino ang ibinibigay na pagkatig ng partido at pamahalaan ng Laos sa panig Tsino sa mga isyung may kinalaman sa nukleong interes nito, at nakahanda aniya ang panig Tsino na isakatuparan kasama ng panig Lao ang mahalagang komong palagay na narating kamakailan ng mga PM ng dalawang bansa hinggil sa ibayo pang pagpapasulong ng komprehensibong estratehikong relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon ng dalawang bansa.
Bumati naman si Somsavat sa kasiya-siyang tagumpay ng palarong ito. Ipinalalagay aniya ng panig Lao na ang pag-unlad ng Tsina ay nakakatulong sa pagpapasulong ng kapayapaan at kaunlarang pandaigdig.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |