Binuksan kagabi sa Guangzhou, isang lunsod sa dakong timog ng Tsina, ang Guangzhou 2010 Asian Para Games. Nagdeklara si Li Keqiang, Pangalawang Premyer ng Tsina, ng pagbubukas ng palarong ito. Dumalo sa seremonya ng pagbubukas ang mga panauhing kinabibilangan nina Datuk Zainal Abu Zarin, Tagapangulo ng Asian Paralympic Committee (APC), at Philip Craven, Tagapangulo ng International Paralympic Committee (IPC).
Sa loob ng darating na pitong araw, ang mahigit 2500 may kapansanang manlalaro na galing sa 41 kasapi ng APC ay magsasagawa ng mapagkaibigan at masidhing paligsahan.
Salin: Li Feng