Isiniwalat ngayong araw ni Chai Xi, embahador ng Tsina sa Malaysiya, na mula noong Enero hanggang noong Nobyembre, umabot sa 67 bilyong dolyares ang bilateral na kalakalan at kabuhayan sa pagitan ng Tsina at Malaysiya na naging rekord sa kasayasayan.
Sa ika-7 na CIEM na idaos sa Kuala Lumpur, sinabi ni Chai Xi na nitong sampung taong nakalipas, lumaki nang 10 ulit ang bilateral na kabuhayan at kalakalan ng Tsina at Malaysiya na lumampas sa 20% ang karaniwang proporasyon ng paglaki.
Sa kasalukuyan, ang Malaysiya ay pinakamalaking trade partner ng Tsina sa mga bansang ASEAN at ika-8 pinakamalaking trade partner ng Tsina sa buong daigdig.