Isiniwalat kahapon ni tagapagsalita Yin Chengji ng Ministri ng Yamang-Tao at Social Security ng Tsina na noong 2010, isinaayos ng 30 lalawigan sa Tsina ang pamantayan ng pinakamababang kita at umabot na sa 22.8% ang karaniwang pagtaas ng buwanang pinakamababang kita. Sa taong 2011, patuloy na isasagawa ng Tsina ang makatwirang pagsasaayos sa pamantayang ito sa angkop na panahon, aktibong hahanapin ang reporma sa pagtatatag ng mekanismo ng normal na paglaki ng kita at sistema ng paggarantiya sa pagbibigay-kita.
Salin: Vera