Ayon sa diyaryong Lianhe Zaobao ng Singapore, ipinihayag ng Kalihim ng Economic Planning ng Pilipinas kamakailan sa economic forum, na hangad ni Pangulong Noynoy Aquino na sa pagdating ng taong 2015, mababawasan sa wala pang 16 na porsyento ng populasyon ang mga taong umaasa sa isang dolyar bawat araw upang mabuhay. Ito'y nangunguhulugan na tutulungan nilang iangat sa kahirapan ang mahigit 8 milyong Pilipinong mahirap.
Ayon sa 2009 na surbey, sa nakaraang dekada hanggang sa kasalukuyan, sa kabila ng pag-angat ng ekonomiya ng bansa, lalong bumigat ang problema sa kahirapan. 23 milyong Pilipino ang umaasa sa isang dolyar sa bawat araw upang mabuhay, na nagtatayang 26.5 % ng kabuuang populasyon ng Pilipinas.
Salin: Joshua