Muling pumutok kaninang umaga ang Bulkang Bulusan sa Bicol Region na naging dahilan ng paglikas ng mahigit 1000 residenteng naninirahan sa paligid nito.
Ayon sa ulat, pumatak ang apoy sa ibabaw ng mga lugar na malapit sa bulkan, ngunit, hindi ito lumikha ng kasulwalti. Madalian namang nagbigay-aksyon ang pamahalaan ng Pilipinas at agarang inilikas sa ligtas na lugar ang mga apektadong mamamayang naninirahan malapit sa bulkan.
Sapul noong 1886, di kukulangin sa 17 beses nang pumutok ang Bulusan. Ang pinakahuling pagbubuga nito ay naganap noong ika-13 ng Hulyo, taong 2007.