
Sa isang simposyum, magkasamang ipinalabas ng China Economic Monitoring and Analysis Center at ACNielsen Company ang resulta ng survey sa Consumer Confidence Index (CCI) ng mga mamimiling Tsino. Ayon sa resulta, umabot sa 100 points ang CCI ng mga mamimiling Tsino noong ika-4 na kuwarter ng taong 2010 na bumaba ng 4 points kumpara noong ika-3 kuwarter, pero, nananatiling pa ring mas malaki kaysa sa karaniwang bilang na 90 points sa ng buong daigdig.
Ayon sa pag-analisa, bagama't nananatiling optimistiko ang nakararaming mamimili sa kita at hanap-buhay, maliwanag na bumaba ang mithiin nila sa pamimili, partikular na, dahil sa pagkabalisa sa mabilis na pagtaas ng presyo ng mga pagkain.