Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Dahil sa mataas na presyo ng pagkain: implasyon sa mga bansang ASEAN, posibleng tumaas

(GMT+08:00) 2011-03-02 17:07:56       CRI

Sa kasalukuyan, naibalik na ang kabuhayan ng mga bansang ASEAN na gaya ng Malaysia, Indonesia, Thailand, Pilipinas at Vietnam sa pamantayan bago sumiklab ang krisis na pinansyal, ngunit, unti-unti pa ring lumalaki ang presyur ng implasyon, lalo na ang mabilis na pagtaas ng presyo ng mga pagkain.

Tinukoy ng mga tagapag-analisa na sa ilalim ng pagtaas ng presyo ng mga paninda, lalo na ng pagkain sa pamilihang pandaigdig at pag-inflow ng pondong dayuhan sa mga bansang ASEAN, lumalaki ang presyur dulot ng implasyon. Kaya, unang-unang maaapektuhan ang Consumer Price Index (CPI) ng nasabing mga bansa na binubuo ng malaking proporsiyon ng mga pagkain.

Ayon pa sa kanila, kahit mabilis na nanumbalik ang kabuhayan ng 5 bansang ASEAN, at kahit ang pagtaas ng presyo ng pagkain ay kasalukuyang phenomenon pa lamang, hindi ito nangangahulugang walang potensiyal na banta ng implasyon. Kasi, ayon sa datos, sa kasalukuyan, mabilis na tumataas ang presyo ng pagkain sa 5 bansang ASEAN.

Isinisisi naman ng mga bansang ASEAN ang mataas na presyo ng pagkain sa masamang panahon at ipinalalagay nilang ito ay pansamantalang phenomenon lamang, at may pag-asang babalik sa dating lebel ang presyo ng mga pagkain.

Ngunit, ayon pa rin sa mga tagapag-analisa, mataas ang proporsiyon ng pagkain sa CPI ng 5 bansang ASEAN, kaya, kung hindi ito mabisang makokontrol, mabilis ang magiging pagtaas ng presyo, at posibleng magdulot ito ng implasyon, kabilang dito, ang malaking pinsalang maidudulot nito sa Biyetnam.

Idinagdag pa ng mga tagapag-analisa na magiging mahirap ang pagpigil sa food inflation, kaya, tatagal ng mahabang panahon ang implasyon sa naturang mga bansang ASEAN.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>