Binuksan na ngayong hapon sa Beijing ang taunang sesyon ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino o CPPCC. Sa seremonya ng pagbubukas, dumalo rito ang mga lider ng Tsina na gaya nina Hu Jintao, Wu Bangguo, Wen Jiabao, Jia Qinglin at iba pa.
Ang sesyong ito ay tatagal nang 10 araw na nilalahukan ng mahigit 2200 na kagawad mula sa mga partido, samahan at lahi ng Tsina. Tatalakayin dito ang mga mahalagang patakaran hinggil sa pambansang pulitika, kabuhayan at iba't ibang larangan ng lipunan, at ihaharap din nila ang mga mungkahi, sa ngalan ng mga mamamayan, hinggil dito.
Salin: Ernest