Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Paggalang sa karapatang pantao, saligang prinsipyo sa administrasyon ng Tsina

(GMT+08:00) 2011-03-03 16:09:33       CRI

Sa isang pulong ng United Nations Human Rights Council(UNHRC), sinabi kahapon ni Wang Qun, Embahador ng Pirmihang Delegasyon ng Tsina sa UN sa Geneva, na itinuturing ng Tsina ang paggalang at paggarantiya sa karapatang pantao bilang saligang prinsipyo sa pamamahala ng bansa, at isinasagawa nito ang mabibisang hakbangin para sa pagpapasulong sa karapatang pantao.

Sinabi niyang pagkaraang maganap ang paglala ng situwasyong panseguridad sa Libya, isinasagawa ng Tsina ang maayos na paglilikas sa mga mamamayang Tsino mula doon, at sa kasalukuyan, mga 35,860 na ang umalis mula sa Libya Ang mga ito aniya'y nagpapakita ng ideya na iginagalang ng Tsina ang buhay ng mga mamamayan, pinahahalagahan ang karapatang pantao at ipinangangasiwa ang bansa batay sa prinsipyong "pagpapahalaga sa interes ng mga mamamayan".

Tinukoy pa niyang dahil sa mga negatibong elementong dulot ng krisis na pinansyal, pagbabago ng klima, krisis ng pagkaing-butil at mga grabeng kapahamakang-likas, kinakaharap ang mga hamong ito ng mga mamamayan ng iba't ibang bansa sa daigdig, lalo na ng mga umuunlad na bansa upang matamasa ang pagkakaroon ng karapatang pantao, karapatang mabuhay at karapatang umunlad. Aniya pa, kung hindi totohanang maaayos ang di-balanseng kaayusang pandaigdig at mapapawi ang kahirapan, hindi maisasakatuparan ang pangangalaga at pagpapasulong sa karapatang pantao. Hinimok din niya ang mga maunlad na bansang dagdagan ng mga ito ang suporta sa mga umuunlad na bansa sa pamamagitan ng pondo at teknolohiya, at buong sikap nilang paliitin ang agwat sa pagitan ng mga bansa sa timog at hilaga ng daigdig para maisakatuparan ang komong kasaganaan, at sa gayon, magtamasa ang kada tao ng pundamental na karapatang pantao.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>