Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Jia Qinglin, bumigkas ng talumpati sa CPPCC

(GMT+08:00) 2011-03-03 17:07:47       CRI

Binuksan ngayong hapon sa Beijing ang taunang sesyon ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino o CPPCC. Dumalo sa seremonya ng pagbubukas ang mga lider ng Tsina na kinabibilangan nina Hu Jintao, Wu Bangguo, Wen Jiabao, Jia Qinglin at iba pa.

Sa kaniyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas, ipinahayag ni Jia Qinglin, tagapangulo ng CPPCC na pinahahalagahan at tinatanggap ng sentral na pamahalaan ang mga mungkahi mula sa mga kagawad ng CPPCC na gaya ng konstruksyon ng base ng bagong enerhiya at pagpapabuti ng sistema ng endowment insurance at nagbibigay ng ambag ang mga kagawad sa pagpapasulong ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan.

Nang mabanggit ng gawain sa taong ito, sinabi ni Jia na patuloy na papansinin at pasusulungin ng CPPCC ang pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan at imumungkahi ang hinggil sa pagpapabago ng pamamahala sa lipunan, pagpapasulong ng hanap-buhay at reporma ng sistema ng pagbabahagi ng kita at iba pa.

Ang sesyong ito ay tatagal nang 10 araw na nilalahukan ng mahigit 2200 kinatawan mula sa mga partido, samahan at mga nasyonalidad ng Tsina. Tatalakayin nila ang mga mahalagang patakaran hinggil sa pambansang pulitika, kabuhayan at iba't ibang larangan ng lipunan at maghaharap ng mga mungkahi hinggil dito.

salin:wle

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>