Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Bakit naganap ang kaguluhan sa mga bansa sa Gitnang Silangan at Hilagang Aprika

(GMT+08:00) 2011-03-11 17:19:03       CRI

Ang kaguluhang sumiklab kamakailan sa mga bansa sa Gitnang Silangan at Hilagang Aprika ay nakatawag ng pansin ng buong mundo at inaanalisa ng maraming tao ang sanhi nito. Nagpahayag si Tang Jizan, dalubhasang Tsino sa isyu ng Gitnang Silangan, ng kanyang kuru-kuro tungkol dito.

Unang una, ang masama at mahirap na kondisyon ng pamumuhay ng mga mamamayan ay nagbunsod ng kaguluhan. Kapos sa yaman ang mga bansang gaya ng Tunisia, Ehipto, Yemen, Algeria, Sudan, Jordan at Morocco, atrasado sila sa proseso ng globalisasyong pangkabuhayan nitong nakalipas na ilang taon. Sa ilalim ng mahirap na kondisyon ng pamumuhay, hindi nakita ng mga mamamayan ang alinmang pag-asa, kaya buong pananabik na inantabayanan nila ang pagbabago.

Ika-2, ang di-makatarungang distribusyon at malaking agwat sa pagitan ng mga mayayaman at mahihirap ay nakatawag ng kawalang-kasiyahan ng mga mamamayan.

Ika-3, ang walang tigil na pagtaas ng unemployment rate ay hindi ikinasisiya ng mga kabataan at nag-udyok sa kanila na magdemonstrasyon. Nananatiling 30% hanggang 40%, maging lumampas sa 50% ang unemployment rate ng naturang mga bansa sa Gitnang Silangan at Hilagang Aprika. Datapuwa't medyo lumaganap ang edukasyon sa Ehipto at Tunisia na tumanggap ang maraming kabataan ng edukasyon sa unibersidad, pero mahirap sila sa paghahanap-buhay pagkatapos ng graduwasyon.

Ika-4, malubha ang kalagayan ng katiwalian ng mga opisyal sa Gitnang Silangan at Hilagang Aprika, lalong lalo na, sa Ehipto at Tunisia.

Ika-5, matigas ang sistema at naantala ang reporma. Ang kalagayang ito ay malubhang humahadlang sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan. Mga lider sa mga bansa sa Gitnang Silangan at Hilagang Aprika ang humawak ng kapangyarihan sa mahabang panahon. Ang "pulitika ng mga matatanda" ay madaling humantong sa pagiging matigas ng sistema. Bukod dito, ang hereditary system sa ilang bansa ay hindi ikinasisiya ng mga mamamayan.

At ika-6, ang internet ay nanunulsol ng kaguluhan. Ang pananawagan sa paglikha ng kaguluhan sa mga bansang gaya ng Tunsia at Ehipto ay ipinalabas at pinalaganap sa pamamagitan ng internet. Kapos ang mga bansa sa Gitnang Silangan at Hilagang Aprika sa kinakailangang pagsusuperbisa't pamamahala sa internet.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>