|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||

Umaatake ang tsunami sa isang bayan
Ayon sa ulat kaninang tanghali ng Tokyo Broadcasting System, pagkaraang salantain ng napakalakas na lindol at napakalaking tsunami ang hilaga at silangan ng Hapon, lumampas na sa 600 ang bilang ng mga nasawi, mahigit 800 ang nawawala at 1049 iba pa ang nasugatan.

Bayang nabaha ng tsunami
Ngayong araw ay ika-2 araw ng trahedyang ito sa Hapon. Sa kasalukuyan, naputol pa rin ang koryente at tubig sa mga grabeng apektadong lugar na gaya ng Miyagi Prefecture, Aomori Prefecture, Iwate Prefecture at iba pa. Siksikan ang mga sasakyan sa mga hayway sa lokalidad at hindi pa napanumbalik ang operasyon ng mga daambakal.

Larawang nakuha pagkaraan ng lindol
Samantala, pagkaraang maganap ang lindol, nahinto ang 5 generating units ng dalawang nuclear power plant ng Hapon at kinumpirma ng pamahalaang Hapones ang radioactive material leak sa isang nuclear power plant sa Fukushima Prefecture. Dahil dito, inilikas ang mahigit 100 libong residente sa paligid ng naturang power plant, ngunit ipinahayag ng panig Hapones na walang agarang banta sa kalusugan ng tao ang kasalukuyang kaunting bolyum ng pagsingaw.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |