Mula kamakalawa hanggang kahapon, naglakbay-suri si premyer Wen Jiabao ng Tsina sa nilindol na purok sa Yingjiang County ng Lalawigang Yunnan sa timog kanluran ng bansa para patnubayan ang gawaing panaklolo at rekonstruksyon pagkaraan ng kalamidad at kumustahin ang mga apektadong mamamayan.

Humiling si premyer Wen sa kinauukulang departamento na buong husay na isaayos ang pamumuhay ng mga apektadong mamamayan, igarantiya ang suplay sa pamilihan at katatagan ng presyo ng mga bilihin sa nilindol na purok, mataimtim na hawakan ang mga nakatagong panganib na dulot ng lindol at panumbalikin sa lalong madaling panahon ang normal na kaayusan ng produksyon at pamumuhay.

Biniyang-diin din niyang dapat siyentipikong balakin at isaayos ang gawain ng pagpapanumbalik at rekonstruksyon pagkaraan ng kalamidad.
Salin: Vera