Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Wala pa umanong katiyakan ang pagdalaw sa China ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III

(GMT+08:00) 2011-03-31 19:14:31       CRI
MALAKI na ang gastos ng "International Organization of Migration" sa paglilikas ng mga banyagang naipit ng kaguluhan sa Libya. Ayon sa pahayag ng IOM sa CBCPNews, umabot nasa $ 40 milyon ang kanilang nagastos para sa may 69 na libong mamamayan sa ilalim ng "UNHCR Humanitarian Evacuation Cell." Ang gastos na ito'y kinabibilangan ng ayuda sa may 405 Pilipino bumalik sa Pilipinas mula sa iba't ibang pinanggalingan.

Sumusuporta lamang ang IOM sa mga programa ng pamahalaan ng Pilipinas at kaugnay ang "Department of Foreign Affairs" sa pagbibigay ng pamasahe sa mga Pinoy. Ang DFA ang nagbibigay ng talaan ng mga Pilipinong nangangailangan ng repatriation support. Kasama rin ang IOM ng "Departments of Foreign Affairs" at "Labor and Employment" sa pagsalubong sa mga manggagawang umuuwi sa NAIA.

Ayon sa IOM, karaniwan sa mga "highly-skilled" workers ang naghahanap ng bagong trabaho sa iba'ng bansa depende sa sahod na kanilang matatanggap. Ang ilan nama'y nagbabalak nang magtayo ng kanilang mga kalakal kaya't marapat lamang suportahan. Nagagalak ang "International Organization of Migration" ang uri ng paglilingkod ng DoLE sa mga mangagawang nagsibalik mula sa Libya.

Sa pag-uwi ng mga manggagawa mula sa iba't ibang bansa, tiyak na makadagdagdag ito sa lumalaking "unemployment rate" sa Pilipinas. Magugunitang aabot sa 750,000 ang nagtatapos ng kolehiyo sa bawat taon. Ayon sa IOM, marami na sa kanila ang naghahanap na ng trabaho sa labas ng bansa.

Bagama't tumutulong ang "OWWA" sa paglalaan ng salapi upang makapagnegosyo ang mga OFWs na hindi na lalabas pa ng bansa, sinabi ng IOM na higit na magiging epektibo ang programa kung masasanay ang mga manggagawa sa larangan ng pagkakalakal.

MULA sa Doha, Qatar, sinabi ni Vice President Jemomar C. Binay na siya na ang magbibigay ng "scholarship grants" sa mga anak nina Sally Ordinario-Villanueva, Elizabeth Batain at Ramon Credo.

Ayon kay Ginoong Binay, ang pagbibigay ng pagkakataong makapag-aral ang siyang pinaka-payak na paraan upang matulungan ang mga mahal sa buhay ng tatlong namayapa kahapon. Idadaan ang "scholarship grants" sa JCB Foundation na siya ang founding chairman. Si Villanueva ay may anak na babae't lalaki, si Batain ay may dalawng anak na babae samantalang si Credo naman ay may isang anak na lalaki.

Ayon kay Binay, isa sa dahilan kung bakit sila nangibang-bansa ay upang mabigyan ng mas magandang kinabukasan ang kanilang mga anak.

WALA pa umanong katiyakan ang pagdalaw sa China ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III.

Sa isang panayam, sinabi ni Pangulong Aquino na mayroon ngang paanyaya subalit hindi pa naaayos ang ibang detalyes. Marami pa umanong dapat isaayos tungkol sa kanyang paglalakbay sa China.

Una nang sinabi ni Chinese Ambassador to the Philippinas Liu Jianchao na may napipintong pagdalaw si Pangulong Aquino sa China sa mga susunod na buwan.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>