Patuloy na binomba kagabi ng mga eroplanong militar ng mga bansang kanluranin ang maraming target na militar at pansibiliyan sa ilang lugar ng Libya na kontrolado ng pamahalaan at ikinamatay at ikinasugat ng maraming tao.
Sinipi ng media ng Libya ang pananalita ng personaheng militar na nagsasabing isinagawa kagabi ng tropang koalisyon ng mga bansang kanluranin ang air strikes sa maraming target na militar at pansibiliyan sa mga lunsod na gaya ng Tripoli, Hummus at Surte. Nasira sa air strikes ang impraestruktura sa lokalidad at maraming sasakyang de motor na pansilibiyan at grabeng nasindak ang mga mamamayang lokal.
Salin: Vera