Napag-alaman ngayong araw mula sa news briefing ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina na batay sa komunikeng communiqué bilang 1 na ipinalabas nang araw ring iyon ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, lumampas na sa 1.37 bilyon ang kabuuang populasyon ng bansa.
Ipinakikita ng sensus na sapul noong 2000, umabot sa 0.57% ang taunang karaniwang paglaki ng populasyon ng Tsina na nasa low fertility level. Ang mga taong nasa 60 taong gulang pataas ay katumbas sa 13.26% ng kabuuang populasyon ng bansa, at unti-unting bumibilis ang proseso ng pagtanda ng populasyon ng Tsina.
Salin:Vera