|
||||||||
|
||
Sa panahon ng kanyang paglahok sa Shangri-La Dialogue sa Singapore, nakipagtagpo kagabi si Liang Guanglie, ministro ng tanggulan ng Tsina, kay Phung Quang Thanh, ministro ng tanggulan ng Biyetnam.
Ipinahayag ni Liang na ang hidwaan ng mga bansa sa soberanya at interes sa karagatan ay dapat maayos na lutasin ng mga bansang ito sa pamamagitan ng pagsasanggunian at talastasan. Aniya pa, ang Karta ng UN, UN Convention on Law of the Sea, mga iba pang kinikilalang norma sa relasyong pandaigdig at mga bilateral na kasunduan at komong palagay ng mga bansa ay batayan ng paglutas sa naturang hidwaan.
Ipinahayag naman ni Phung na lulutasin ng kanyang bansa at Tsina ang kanilang hidwaan sa isyu ng South China Sea at hindi pahihintulutan ang panghihimasok ng anumang ika-3 bansa.
Nang araw ring iyon, pinabulaanan ng tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang ulat hinggil sa pagpapaputok ng panig Tsino ng warning shots sa mga mangingisdang Biyetnames na nagtatrabaho sa karagatan ng South China Sea at sinabi niyang sa mula't mula pa'y nagsisikap ang Tsina para sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon ng South China Sea.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |