Ipinalabas ngayong araw ng Ministring Panlabas ng Laos ang pahayag na nagsasabing sa mahigpit na kalagayan sa South China Sea(SCS) sa kasalukuyan. Sa pamamagitan ng pahayag, nanawagan ang pamahalaang Lao na magtimpi ang iba't ibang may kinalamang panig sa isyung ito. Dapat lutasin ang isyung ito ayon sa framework ng mga pandaigdig na batas na kinabibilangan ng "United Nations Convention on the Law of the Sea," dagdag pa ng pahayag.
Ipinahayag ng Laos na ang Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC) ay isang mahalagang dokumentong nagpapalalim ng pagkakaibigan, kooperasyon at pagtitiwalaan, at dapat panatilihin ng iba't ibang panig ang kapayapaan, katatagan, at kooperasyon, batay sa DOC.
salin: Wle