Sinabi kahapon ni Elvira Nabiullina, Ministro ng Pag-unlad ng Kabuhayan ng Rusya, na bago ang katapusan ng Hulyo ng taong ito, kung hindi maaaring marating ang kasunduan ng Rusya at mga miyembro ng World Trade Organization o WTO hinggil sa pagsapi ng Rusya sa WTO, posibleng ipagpapaliban nang ilang taon ang isyu ng talastasan sa pagsapi ng Rusya sa WTO.
Noong 1993, opisyal na ini-aplay ng Rusya ang pagsapi sa General Agreement on Tariffs and Trade (predecessor ng WTO), at opisyal na sinimulan ang talastasan hinggil dito noong 1995.
Salin:Sarah