|
||||||||
|
||
Sinabi kahapon ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang Tsina ay nananatiling mahalagang konstruktibong puwersa sa paggarantiya sa kapayapaan at katatagan ng South China Sea, at ito ay komong palagay rin ng komunidad ng daigdig.
Winika ito ni Hong sa isang regular na preskong idinaos nang araw ring iyon.
Sinabi niya na malinaw at palagian ang paninindigan ng Tsina sa South China Sea. Ang paggarantiya ng Tsina sa soberanya at karapatang pandagat at interes ng South China Sea ay hindi nakakaapekto sa pagtatamasa ng iba't ibang bansa ng kalayaan sa paglalayag sa South China Sea. Aniya pa, sa katotohanan, walang anumang problema sa kalayaan sa paglalayag sa South China Sea.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |