|
||||||||
|
||
Nakipag-usap dito sa Beijing kahapon si Liang Guanglie, Kasangguni ng Estado at Ministro ng Tanggulang Bansa ng Tsina, kay Gen. Tea Banh, dumadalaw na Pangalawang Punong Ministro at Ministro ng Tanggulan ng Kambodya.
Ipinahayag ni Liang na nitong nakalipas na kalahating siglo sapul nang itatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina't Kambodya, nakaranas ng iba't ibang pagsubok ang relasyon ng dalawang bansa. Nakahanda aniya ang panig Tsino na magsikap, kasama ng panig Kambodyano, para mapasulong ang pag-unlad ng kanilang relasyon sa mas maraming larangan at mas mataas na antas.
Nagharap din ang Ministro ng Tanggulan ng Tsina ng 4 na mungkahing may kinalaman sa pag-unlad ng relasyon ng dalawang hukbo: pagpapanatili ng pagpapalagayan sa mataas na antas, pagpapalakas ng pagsasanay at pagpapalitan ng tauhan, pagpapasulong ng pragmatikong kooperasyon ng dalawang hukbo at pagpapahigpit ng pagkokoordinahan at pagtutulungan sa mga multilateral na suliraning panseguridad.
Pinasasalamatan naman ni Tea Ban ang buong lakas na pagkatig ng Tsina sa kanyang bansa nitong nagdaang mahabang panahon. Aniya, pinahahalagahan ng Kambodya ang pagpapaunlad ng relasyong militar nila ng Tsina, at nakahandang walang humpay na pahigpitin ang pagtitiwalaan, pahigpitin ang pagkakaibigan at paunlarin ang relasyon ng dalawang bansa't hukbo.
Salin: Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |