Kahapon ng hapon, kinatagpo sa Beijing ni Wu Bangguo, Tagapangulo ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan(NPC) ng Tsina, si Feliciano Belmonte Jr., Ispeaker ng Mababang Kapulungan ng Pilipinas.
Sa pagtatagpo, ipinahayag ni Wu, na nitong 36 na taong nakalipas, sapul nang maitatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Pilipinas, walang tigil na umuunlad ang pagtutulungan ng dalawang bansa sa larangan ng pulitika, kabuhayan at kalakalan, humanidad, at iba pa. Aniya, nakahanda ang Tsina na lalo pang pahigpitin ang pragmatikong kooperasyon ng dalawang bansa, batay sa prinsipyo ng paggagalangan, at pagkakapantay-pantay na may mutuwal na kapakinabangan, para sa komong pag-unlad ng dalawang bansa. Nakahanda rin aniya ang Tsina na palakasin ang pagpapalitang pangkaibigan ng parliamento, mga partidong pampulitika, at ng mga mamamayan ng dalawang bansa. Binigyang diin ni Wu, na pinahahalagahan ng Tsina ang pakikipagtulungan nito sa Pilipinas, at dapat maayos na hawakan ang mga problema ng dalawang bansa sa pamamagitan ng diyalogo, para sa pagpapasulong ng relasyong bilateral ng dalawang panig.
Ipinahayag naman ni Belmonte na nananatiling mainam ang pangkaibigang kooperasyon ng Tsina at Pilipinas sa iba't ibang larangan. Aniya, magsisikap ang kanyang bansa, kasama ng Tsina, para pasulungin ang naturang relasyong pangkaibigan.