Kahapon, sa isang regular na preskon, ipinahayag ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pagpapahalaga nito sa positibong papel ng "Declaration of the Conduct of Parties in the South China Sea" (DOC), para sa pangangalaga sa katatagang panrehiyon, at pagpapasulong sa pagtitiwalaan ng Tsina at mga bansang ASEAN. Aniya, mahigpit na ipinatutupad ng Tsina ang naturang deklarasyon.
Winika ito ni Hong nang sagutin niya ang mga tanong ng mga mamamahayag tungkol sa kalagayan ng pagpapatupad ng Tsina sa naturang deklarasyon.
Idinagdag pa ni Hong na pagkaraan ng paglagda sa DOC, pinapasulong pa ng Tsina ang pagpapatupad sa mga tadhana ng naturang deklarasyon, na kinabibilangan ng pagbuo ng magkasanib na working group, para balangkasin ang work plan at tiyakin ang mga proyektong pangkooperasyon. Aniya pa, sa kasalukuyan, tiniyak na ng naturang grupo ang mga paunang larangang pangkooperasyon, na kinabibilangan ng scientific research sa karagatan, pangangalaga sa kapaligirang pandagat, seguridad sa paglalakbay na pandagat, at iba pa. Samanatala, narating din sa pamamagitan ng naturang grupo ang komong palagay hinggil sa pagsasagawa ng mga proyektong pangkooperasyon, na gaya ng maritime rescue, at disaster prevention at mitigation sa South China Sea.