Sa isang preskong idinaos kahapon ng Ministring Panlabas ng Tsina, ipinahayag ng isang dalubhasang Tsino sa isyung pandaigdig na ang Tsina ay may di-mapapabulaanang soberanya sa Nansha Islands at rehiyong pandagat sa paligid nito, at ang tangka ng mga may kinalamang bansa na gawing internasyonal ang isyu ng South China Sea ay hindi nakakatulong sa kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito.
Sinabi ng naturang dalubhasa na sa mula't mula pa'y umaasa na ang pamahalaang Tsino na mapayapang malulutas nila ng iba't ibang may kinalamang bansa ang kinauukulang hidwaan sa pamamagitan ng sasanggunian at talastasang pangkaibigan, at iniharap nito ang mungkahing isa-isangtabi ang pagkakaiba at magkakasamang maggalugad. Noong 2002, lumagda ang Tsina at iba't ibang kasaping bansang ASEAN sa "Deklarasyon ng Aksiyon ng Iba't Ibang Panig sa South China Sea" na narating nila ang komong palagay hinggil sa mapayapang paglutas sa hidwaan, magkakasamang pangangalaga sa katatagang panrehiyon at pagsasagawa ng kooperasyon sa South China Sea.
Salin: Li Feng