Kinatagpo dito sa Beijing kahapon ni Dai Bingguo, Kasangguni ng Konseho ng Estado ng Tsina, si Ho Xuan Son, espesyal na sugo ng lider na Biyetnames at Pangalawang Ministrong Panlabas ng Biyetnam. Sa pagtatagpo, inilahad ni Dai ang paninindigan at palagay ng panig Tsino hinggil sa pagpapaunlad ng bilateral na relasyon at isyu sa dagat. Ipinahayag ng dalawang panig na dapat mapayapang lutasin ang hidwaan ng dalawang bansa sa pamamagitan ng talastasan at pagsasanggunian.
Ipinahayag din nila na ang malusog at matatag na pag-unlad ng relasyong Sino-Biyetnames ay angkop sa pundamental na kapakanan at komong mithiin ng mga mamamayan ng dalawang bansa at makakabuti pa ito sa kapayapaan, katatagan at kaunlaran sa rehiyong ito.
Salin: Li Feng