Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Unang anibersaryo ni Aquino bilang pangulo ng Pilipinas

(GMT+08:00) 2011-06-30 16:28:30       CRI
Ngayong araw ay unang anibersaryo ng panunungkulan ni Benigno Simeon Cojuangco Aquino III bilang pangulo ng Pilipinas. Sa loob ng nagdaang isang taon, nagsagawa si Aquino ng ilang bagong hakbangin na nagtamo ng positibong bunga, ngunit, walang aksyon sa larangan ng pagsugpo sa korupsyon.

Sa larangan ng pagpapaunlad ng kabuhayan, natamo ni Aquino ang maraming bunga. Noong 2010, ang paglaki ng GDP ng Pilipinas ay umabot sa 7.3% na naging pinakamataas na lebel nitong 34 taong nakalipas. Hanggang noong katapusan ng Mayo ng taong ito, ang foreign exchange reserve ng Pilipinas ay umabot sa 68.76 na bilyong dolyares na lumaki ng 44.18% kumpara sa gayon ding panahon ng tinalikdang taon, at ito ay bagong rekord sa kasaysayan. Noong nakalipas na taon, ang unemployment rate ng Pilipinas ay 7.3% na mas mababa kaysa 7.5% na bahagdan noong nakaraang taon. Kasabay nito, maalwan ang progreso ng Public-Private Partnership o PPP. Iniharap ni Aquino ang planong ito noong panahong nanumpa siya sa tungkulin at ito ay naglalayong makaakit ng mga di-pampamahalaan at dayuhang puhunan sa Pilipinas para mapasulong ang empleyo, mapataas ang pag-unlad ng kabuhayan at mapasulong ang pag-unlad ng buong lipunan. Sa kasalukuyan, nagpahayag na ang Tsina at Britaniya ng kanilang mithiin na makisangkot dito. Bukod dito, sa laragnan ng pagpapasulong ng rekonsilyasyon ng mga nasyonalidad at pagpapatatag ng kalagayan sa loob ng bansa, nakapagtamo ng progreso ang pamahalaan ni Aquino. Muling sinimulan ng pamahalaan ng Pilipinas ang talastasang pangkapayapaan nila ng Moro Islamic Liberation Front MILF at New People's Army o NPA, at narating ng pamahalaan at mga kontra-gobyernong sandatahang lakas ang pinakamahabang panahon ng tigil-putukan na lumikha ng magandang atomospera para sa talastasan. Kasabay nito, patuloy na pinapalakas ng pamahalaan ng Pilipinas ang pagbibigay-dagok sa Abu Sayyaf.

Ngunit, sa larangan ng pagsugpo sa korupsyon, di-mabilis ang progreso ng pamahalaang Aquino, at sa larangang diplomatiko, nagsagawa ang pamahalaang Aquino ng praktikal na patakaran. Unang-una, ibayo pang pinalalakas nito ang tradsyonal na pag-uugnayan ng Pilipinas at E.U.. Ikalawa, pinahalagahan nito ang pagsaasgawa ng aktuwal na pakikipagkooeprasyon sa mga bansang ASEAN. Sa larangan ng patakaran sa Tsina, pinalakas ng pamahalaan ni Aquino ang pakikipagpalitang pangkabuhayan at pangkalakalan sa Tsina, datapuwa't kamakailan, nagsagawa ang pamahalaan ni Aquino ng ilang aksyon na nakapagpalala sa alitan sa South China Sea. Ngunit, katulad ng sinabi ni Feliciano Belmonte Jr, ispiker ng mababang kapulungan ng Pilipinas: "sa kabuuan, nitong ilampung taong nakalipas, napakainam ng relasyon ng Tsina at Pilipinas sa iba't ibang larangan."

Salin:Sarah

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>