Ipinahayag kahapon dito sa Beijing ni Yang Yujun, Tagapagsalita ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina na ang pagsasanay na militar na isinagawa kamakailan ay regular na pagsasanay, ayon sa taunang plano, at walang kaugnayan sa kalagayan sa South China Sea.
Sinabi rin niyang napuna ng kanyang ministri na pinagtuunan ng pansin ng mga dayuhang media ang naturang pagsasanay, subalit may mga ulat na may sariling paghula at interpretasyon, kaya, idinagdag niyang umaasa ang ministri na pakikitunguhan ito nang resyonal at obdiyektibo ng iba't ibang panig.
salin:wle