|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Kahapon, ipinatalastas ng Puea Thai Party (PPP) ng Thailand na narating na ng PPP, Palang Chon Party, Chat Pattana Phua Pandin Party, Chat Thai Pattana Party at Mahachon Party, ang kasunduan hinggil sa pagbuo ng naghaharing koalisyon at sigurado na magiging kauna-unahang babaing Punong Ministro ng Thailand na si Yinglak Shinawatra, kapatid ni Thaksin Shinawatra, dating Punong Ministro ng Thailand. Pero, kinakaharap pa ng bagong pamahalaan ang 3 malaking hamon na gaya ng pagpapaunlad ng kabuhayan, rekonsilyasyong panlipunan at isyu ng pagbabalik ni Thaksin sa bansa.
Una: ang pagpapaunlad ng kabuhayan at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayang Thai. Nauna rito, sa halalan sa Mababang Kapulungan, iniharap ng PPP na bawasan ang buwis, pataasin ang lebel ng pinakamababang suweldo, dagdagan ang pundasyon para sa mga nayon, mapangalagaan ang kapakanan ng mga magsasaka at pabutihin ang kondisyon ng edukasyon sa mga bata. Pero, ayon sa mga tagapag-analisa, kung maisasakatuparan ang ganitong mga pangako sa halalan, posibleng magdudulot ito ng mga isyu na gaya ng paglaki ng utang, pagpapaliban sa repormang pangkabuhayan at inflation.
Ikalawa, kailangang-kailangan ng bagong pamahalaan ang pagpapasulong ng rekonsilyasyong panlipunan at pangangalaga sa katatagan ng lipunan. Ang komprontasyong pulitikal at pagkakawatak-watak na panlipunan nitong ilang taong nakalipas ay nakakaapekto nang malaki sa kabuhayan ng bansa.
Ikatlo, ang isyu kung paanong hahawakan ang pagbabalik ni Thaksin sa bansa, dahil nahatulan na siyang may kasalanan, kung gagawing priyoridad ng PPP ang pagpapatawad kay Thaksin, sigurado itong tututulin ng mga oposisyon at sirkulo ng mga talento ng bansa. Kaya kung babalik si Thaksin sa bansa sa malapit na hinaharap, makakahadlang ito sa rekonsilyasyong panlipunan at higit pa magpapalala sa kasalukuyang maigting na komprontasyong pulitikal.
Pero, para sa mga mamamayang Thai, umaasa silang lahat na sa pamamagitan ng halalang ito, matatapos ang krisis noong nakararaang 6 na taon, muling mapatatatag ang sistemang demokratiko at mapapanumbalik ang katatagan ng lipunan.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |