Ipinahayag ngayong araw dito sa Beijing ni Hong Lei, tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na sa pag-uusap na idinaos kamakailan ng mga Ministring Panlabas ng Tsina at Hapon, inulit ni Yang Jiechi, Ministrong Panlabas ng Tsina ang prinsipyo ng Tsina sa isyu ng South China Sea at binigyan-diin niyang laging walang sagabal ang agusan sa rehiyong pandagat sa paligid ng Tsina at Hapon, may garantiya ang malayang nabigasyon.
Nang araw ring iyon, sa regular na news briefing, sinabi ni Hong na sa mula't mula pa'y, ang Hapon ay isa sa mga pangunahing panig na nakikinabang sa malayang nabigasyon sa rehiyong pandagat sa paligid ng Tsina na kinabibilangan ng South China Sea.
salin:wle