Nakipagtagpo ngayong araw sa Beijing si Pangalawang Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Albert Del Rosario, dumadalaw na Kalihim ng Suliraning Panlabas ng Pilipinas, at nagpahayag siya ng pananalig na ang pagdalaw na ito ay makakapagtingkad ng positibong papel sa pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.
Sinabi rin ni Xi na lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang pagpapaunlad, kasama ng Pilipinas, ng relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon ng dalawang bansa at umaasa itong ang dalawang bansa ay mananatiling matalik na magkapitbansa, magkaibigan at magkatuwang.
Ipinahayag naman ni Del Rosario na ito ang kanyang kauna-unahang pagdalaw sa Tsina bilang kalihim ng suliraning panlabas at tuwang-tuwa siyang talakayin, sa ilalim ng ganitong kalagayan, kung papaanong mapapasulong ang relasyon ng dalawang bansa.
Salin: Liu Kai