Dumating ng Beijing kahapon, banding alas-singko, si Honorable Albert del Rosario, Kalihim ng suliraning panlabas ng Pilipinas para sa kanyang kauna-unahang pagdalaw sa Tsina sa paanyaya ng kanyang Chinese counterpart. Sa isang simpleng resepsiyon na dinaluhan ng mga opisyal at tauhan ng embahada at ilang piling miyembro ng Philcom, sinabi ng butihing Kalihim na layon ng kanyang pagdalaw na alamin ang kalagayan ng OFW's sa Tsina at makatalastasan ang mga lider ng Tsina hinggil sa mga bagay na may kinalaman sa kanilang bilateral na relasyon at mga isyung namamagitan sa Pilipinas at Tsina sa kasalukuyan. Mahigpit na mahigpit ang iskedyul ni Kalihim del Rosario. Lilisan siya ng Beijing bukas ng madaling araw.
Reporter: Ramon