Tinukoy dito sa Beijing ngayong araw ni Tagapagsalitang Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang direktang talastasan ng mga may kinalamang bansa ang pinakamabisang paraan sa paglutas ng hidwaan sa soberanya ng teritoryo at kapakanan sa karagatan.
Sa isyu ng South China Sea, idinagdag pa niya na malinaw ang paninindigan ng panig Tsino. Sa mula't mula pa aniya'y naninindigan ang panig Tsino na batay sa katotohanang historikal at pandaigdigang batas, malulutas ng mga may kinalamang bansa ang kanilang hidwaan sa South China Sea sa pamamagitan ng direktang talastasan.
Salin: Li Feng