|
||||||||
|
||
Gaganapin mula bukas hanggang susunod na Sabado sa Indonesiya ang ika-44 ASEAN Ministerial Meetings at ASEAN Regional Forum na lalahukan ng ministrong panlabas ng Tsina na si Yang Jiechi. Kumpirmado na ng panig Amerikano na dadalo rito si State Secretary Hillary Clinton.
Ayon kay G. Yin Zhuo, dalubhasang militar mula sa hukbong pandagat ng Tsina, ang isyu ng South China Sea ay magiging isang di-maiiwasang paksa sa naturang mga gaganaping pulong. Kaugnay ng isa sa mga dahilan, ganito ang tinuran niya:
"Ang isyu ng South China Sea ay sinamantala na at sinasamantala ngayon ng Amerika bilang breakthrough point para makabalik siya sa Timog Silangang Asya at ma-contain ang Tsina. Masasabi nating natamo na ng Amerika ang estratehikong target nito na painitin ang isyu ng South China Sea."
Bilang tugon naman sa mga paninindigan ng panig Amerikano na tulad ng may kaugnayan sa pagiging pambansang interes ng Amerika ang isyu ng South China Sea at pagpapatuloy ng Amerika ng eksistensiya nito sa South China Sea, sinabi naman ng panig Tsino na may kakayahan ang Tsina na mahawakan ang isyung ito kasama ang mga kaukulang bansa ng ASEAN sa pamamagitan ng direktang bilateral na talastasan batay sa Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea na nilagdaan ng Tsina at mga kasapi ng ASEAN noong taong 2002.
Ayon sa dalubhasang Tsino, sa gaganaping serye ng ASEAN meetings, lalo na sa panghihimasok ng Amerika at Hapon, hindi rin maipagkakaila ang posibilidad na magsumite ang mga may kinalamang bansang Asean na gaya ng Biyetnam at Pilipinas ng burador na kasunduan hinggil sa isyung ito para talakayin. Idinagdag niya na:
"Sa totoo lang, mababasa sa Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea na nilagdaan ng Tsina at mga bansang ASEAN noong 2002 ang ganitong tadhana na hindi dapat sirain ang kasalukuyang situwasyon ng South China Sea at hindi dapat palalain ang situwasyon, pero, kung titingnan natin ang kasalukuyang kalagayan, masasabi natin na ang ginagawa ngayon ng Biyetnam at Pilipinas ay mga unilateral na aksyon na nakakapinsala sa katatagan ng rehiyong ito."
Salin: Jade
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |