Sa isang symposium na idinaos kahapon sa Los Angeles, ipinahayag ni Guo Zhenyuan, ekspertong Tsino sa mga isyung pandaigdig, na ang hidwaan sa dagat ng Tsina at ilang kapitbansa nito ay isyung bilateral at hindi dapat isadaigdig.
Dagdag pa niyang ang hidwaan sa pagitan ng Tsina at Hapon sa Diaoyu Islands at paggagalugad ng langis at natural gas sa East China Sea at ang mga hidwaan sa pagitan ng Tsina at Pilipinas at ng Tsina at Biyetnam sa South China Sea ay hindi nagdudulot ng malaking epekto sa seguridad ng buong rehiyon at ang mga ito ay mga bilateral na isyu na di-tulad ng isyu ng Korean Peninsula.