|
||||||||
|
||
Sa Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng ASEAN at Porum ng ASEAN noong nakaraang taon, maliwanag na ipinahayag ni Hillary Cliton na ang isyu sa alitan sa South China Sea ay may kinalaman sa kapakanan ng E.U.. Ipinalalagay ng tagapag-analisa na ang naturang pahayag ni Cliton ay isang mahalagang dahilan na nagdulot ng walang humpay na paglala ng isyu ng South China Sea. Kaya ,bago ang pulong ng taong ito, ang isyu ng South China Sea ay muling naging tampok.
Ayon sa balita na isiniwalat ng mass media ng Timog Silangang Asiya, nagsisikap ang ilang bansa para gawing isang mahalagang isyu ang isyu ng South China Sea sa pulong na ito. Iminungkahi rin ng ilang dalubhasa ng bansang kanluran na udyukan ng ASEAN ang E.U. na lumahok sa kinauukulang talastasan. Ngunit, Sa kasalukuyan, hinggil sa isyu ng South China Sea, nagkakaiba ang paninindigan ng iba't ibang miyembro ng ASEAN. Sa mga bansa na may direktang kontradiksyon sa Tsina, nagkakaiba rin ang paninindigan ang mga mamamayan hinggil sa isyung ito.
Ipinahayag ni Yang Fang, iskolar ng Nanyang Technological University ng Singapore na hinggil sa isyung ito, dapat magsikap ang ASEAN na hawakan nang mabuti ang relasyong Sino-Amerikano sa isyu ng South China Sea. Dapat makita ang kapakanan ng E.U. sa rehiyong ito, ngunit, hindi puwede isaisangtabi ang Tsina sa paglutas ng problemang ito.
Ayon sa ilang pag-analisa, imposibleng magkakaisa ang mag miyembro ng ASEAN hinggil sa isyu ng South China Sea. Ngunit, dahil sa pagkakaroon ng komong palagay sa maraming isyung tulad ng enerhiya at iba pa, ang pinakamabuting piagpipilian para sa iba't ibang kinauukulang bansa ay patuloy na pagsasagawa ng diyalogo sa naturang mga larangan, at ang pulong ng mga ministrong panlabas ng ASEAN ay maaaring maging isang mainam na plataporma ng diyalgo.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |