Idinaos ngayong araw sa Bali, Indonesya, ang ASEAN-China Senior Officials Meeting (SOM) on the Implementation of the Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC). Narating ng mga kalahok na panig ang komong palagay hinggil sa guidelines sa pagpapatupad ng DOC at mga gawain sa hinaharap at sa gayo'y, nakapaghawan ito ng landas para sa pagpapatupad ng DOC at pagpapasulong sa pragmatikong kooperasyon sa South China Sea.
Sa pulong na ito, inilahad ni Liu Zhenmin, Asistenteng Ministrong Panlabas ng Tsina, ang paninindigan ng kanyang bansa hinggil sa aktibong pagkatig sa mga kooperasyon sa South China Sea at iminungkahi niya sa iba't ibang panig na gawing pokus ng mga gawain sa hinaharap ang pagsasagawa ng pragmatikong kooperasyon sa ilalim ng balangkas ng DOC. Nagharap din ang panig Tsino ng mungkahi hinggil sa isang serye ng mga kooperasyon na kinabibilangan ng pagdaraos ng talakayan hinggil sa malayang nabigasyon sa South China Sea at pagtatatag ng tatlong esepsyal na komite hinggil sa siyentipikong pananaliksik at pangangalaga sa kapaligiran ng dagat, kaligtasan ng nabigasyon at operasyon ng search and rescue at pagbibigay-dagok sa transnasyonal na krimen sa dagat. Ipinangako rin ng Tsina ang patuloy na pagtataguyod sa 3 nakatakdang proyektong pangkooperasyon. Ang mga ito ay tumanggap ng positibong reaksyon mula sa iba't ibang panig.
Salin: Liu Kai