|
||||||||
|
||
Nakatakdang idaos mula ngayong araw hanggang samakalawa sa Bali, Indonesiya, ang Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng ASEAN at Tsina (10+1), Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng ASEAN, Tsina, Hapon at Timog Korea (10+3), East Asia Summit Foreign Ministers' Consultation at ASEAN Regional Forum (ARF) Foreign Ministers' Meeting na kung saan ang kalahok na ministrong panlabas ng Tsina na si Yang Jiechi ay maglalahad ng paninindigan ng Tsina sa pagtutulungan ng 10+1 at 10+3, kalagayang panseguridad ng Asiya-Pasipiko, at direksyon ng pag-unlad ng East Asia Summit at ASEAN Regional Forum.
Ngayong taon ay ika-20 anibersaryo ng pagkakatatag ng dialogue partnership ng Tsina't ASEAN. Pagpasok ng nagdaang taon, ang Tsina ay nagsimulang maging pinakamalaking trade partner ng ASEAN at pagpasok naman ng nagdaang Abril, ang ASEAN ay nagsimulang maging ikatlong pinakamalaking trade partner ng Tsina. Pagdating sa pagtutulungan ng Tsina at Asean sa hinaharap, ayon kay Tong Xiaoling, Embahador ng Tsina sa ASEAN, patuloy na palalawakin ng Tsina ang pagtutulungan nila ng ASEAN sa ilalim ng China-ASEAN Free Trade Area na nagsimulang magsaoperasyon noong unang araw ng Enero, taong 2010, lalung lalo na ibayo pang maglalatag ng plataporma para sa mga katamtamang laki at maliliiit na bahay-kalakal.
Bilang dalawang bagong miyembro ng East Asia Summit, sa kauna-unahang pagkakataon, lalahok sa East Asia Summit Foreign Ministers' Consultation ang Amerika at Rusya, bagay na nakatawag ng malawak na pansin. Ayon kay Zhang Jiuhuan, dating sugong Tsino sa Singapore at Thailand, ang bagong round ng maigting na kalagayan ng South China Sea ay may kaugnayan sa pagbabalik ng Amerika sa Asya. Hinggil dito, laging tutol na tutol ang Tsina na gawing isyung internasyonal ang isyu ng South China Sea at dapat itong lutasin sa pamamagitan ng bilateral na talastasan sa pagitan ng Tsina at iba pang mga bansang ASEAN batay sa Declaration on Conduct of Parties in South China Sea na nilagdaan nila noong 2002. Ipinagdiinan ng dalubhasang Tsino na ang idinaraos na serye ng pulong ng mga ministrong panlabas ay dapat magsilbing plataporma ng kapayapaan, pagbubukas at pagtutulungan at hindi ito dapat maging arena ng pag-aawayan o pagpapataw ng pressure.
Salin: Jade
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |