Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Sugong Tsino: susi ng kalutasan sa isyu ng South China SEA, pagpapasulong ng pragmatikong kooperasyon

(GMT+08:00) 2011-07-22 18:24:22       CRI

Nagdaos kamakalawa ang matataas na opisyal ng Tsina at ASEAN ng serye ng mga pulong kung saan napagkasunduan nila ang bagong guidelines sa pagpapatupad sa 2002 Declaration of the Conduct in the South China Sea (DOC).

Kaugnay nito, ganito ang koment ni Tong Xiaoling, Sugong Tsino sa ASEAN.

"Makabuluhan ang narating na guidelines sa maayos na pagpapatupad sa Declaration of the Conduct in the South China Sea (DOC). Makabuluhan din ito sa pagpapanatili ng katatagan at kapayapaan ng South China Sea. Sa ilalim ng kasalukuyang situwasyon, nagpadala ito sa labas ng isang positibong signal."

Napag-alamang ang narating na guidelines ay walang kinalaman sa mga mahirap na malutas na isyu na gaya ng paggagalugad ng langis at natural gas sa mga pinagtatalunang lugar. Sa aspektong ito, masasabing makakatulong sa pagpapasulong ng kooperasyon ang narating na guidelines, pero, hindi pa dapat maging optimistiko ang iba't ibang panig sa kanilang pagtatalastasan sa susunod na yugto.

Ayon sa sugong Tsino, ang kasalukuyang pinakanararapat na gawin ng mga kaukulang panig ng DOC ay magsimula kaagad ng pragmatikong pagtutulungan. Kaugnay naman ng pinal na kalutasan sa isyu ng South China Sea, may tatlong iniharap na mungkahi ang sugong Tsino.

"Una, dapat magkaroon ng direktang bilateral na pagsasanggunian ang mga bansa na lumagda sa DOC dahil ayon sa international practice, pagdating sa mga alitan sa teritoryo o hanggahan, malulutas lang ito sa ilalim ng bilateral na balangkas ng dalawang kaukulang bansa. Ikalawa, upang mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng South China Sea at mapanatili ang malayang nabigasyon sa rehiyong ito, nakahanda ang Tsina na makipagtulungan sa mga bansa sa paligid ng South China Sea. Ikatlo, dapat tayong maging alerto sa mangilan-ngilang bansa na nagtatangka na masira ang relasyon ng Tsina at mga bansang ASEAN sa pamamagitan ng pagpapainit, pagpapasalimuot at pagmamanipula ng isyu ng South China Sea para maisakatuparan ang kanilang sariling estrahetikong interes sa rehiyong ito."

Bilang panapos, ipinagdiinan ng sugong Tsino na bahagi lang ng relasyong Sino-ASEAN ang isyu ng South China Sea at ang pagkakaibigan, pagtutulungan, mutuwal na kapakinabangan at komong pag-unlad ay nagsisilbing pangunahing tema at direksyon ng relasyong Sino-ASEAN. Aniya pa, dapat samantalahin ng dalawang panig ang ika-20 anibersaryo ng pagkakatatag ng dialogue partnership ng Tsina't ASEAN na natatapat sa taong ito para mapalalim ang kanilang estratehikong partnership.

Salin: Jade

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>