Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Senador Juan Miguel Zubiri, nagbitiw

(GMT+08:00) 2011-08-03 19:17:49       CRI

Nagbitiw sa kanyang puesto bilang Senador ng Republika ng Pilipinas si Ginoong Juan Miguel Zubiri ngayong Miyerkoles at nagsabing lubhang nasaktan ang kanyang pamilya sa mga akusasyon ng kanyang nakatunggali sa nakalipas na halalan. Ang binabanggit niya'y si Atty. Aquilino "Koko" Pimentel III na natalo ni Zubiri para sa ika-labing-dalawang puesto.

Sa kanyang privilege speech kanina, sinabi ni Ginoong Zubiri na wala siyang inaaming kamalian o kasalanan sa nakalipas na halalan. Inakusahan umano siya ng kanyang mga nakalaban sa politika at naging mabangis ang mga akusasyon laban sa kanya.

Idinagdag ni Ginoong Zubiri na siya'y nagbibitiw hindi sa dahilang napagod sa pagiging mambabatas at kailanma'y 'di napagod sa paglilingkod sa tao. Hindi rin umano siya nagbibitiw upang makaiwas sa magiging hatol ng Senate Electoral Tribunal. Siya umano'y nagbitiw dahilan sa halos hindi na niyamakayanang mga akusasyon.

Pinapurihan naman ni Pangalawang Pangulong Jejomar Binay si Ginoong Juan Miguel Zubiri at lubos na iginagalang ang dahilan sa pagbibitiw mula sa Senado. Sa pagbibitiw umano ni Ginoong Zubiri, higit na lumakas ang paniniwala ng mga mamamayan sa mga pinuno ng bansa at nagpapakita ng pagiging maginoo sa mga political institution. Dalangin din ni Ginoong Binay na magpatuloy si Ginoong Zubiri ng kanyang mga adhikain partikular sa Kalikasan kahit na isang pribadong mamamayan lamang.

SA KAMAYNILAAN, nasuspinde pa rin ang mga klase sa mababa at mataas na paaralan sa iba't ibang bahagi ng metropolitan area dahilan sa patuloy na pag-ulan. Ang mga pag-ulang ito ang dahilan ng mga pagbaha sa iba't ibang lansangan. Nahirapan din ang mga mag-aaral na makauwi dahilan sa pabugso-bugsong pag-ulan.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>