Embahada ng Pilipinas, nagbabala sa mga pinoy sa London
(GMT+08:00) 2011-08-10 18:14:43 CRI
PINAYUHAN ng Embahada ng Pilipinas sa London ang mga Pilipinong naroon sa United Kingdom na maging maingat dahilan sa mga nagaganap na kaguluhan sa nakalipas na ipang araw.
Nanawagan ang Embahada sa mga Pilipino na huwag magagawi sa mga tinaguriang "high street areas" at umiwas sa mga pagtitipon na maraming mga dumadalo at huwag na huwag masasangkot sa anumang kaguluhang nagaganap. Ito ang babala at panawagan ni Charge d' Affaires, a.i. Reynaldo A. Catapang.
Nanawagan din si Ginoong Catapang sa mga pinuno ng mga komunidad na tumawag agad sa pulisya o sa embahada kung magkakaroon ng anumang insidente sa kanilang mga tinitirhan at magbalita rin kung mayroong mga Pilipinong masusugatan ng malubha sa mga kaguluhan.
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig