Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pilipinas, malamang magbili ng asukal sa ibang bansa

(GMT+08:00) 2011-08-19 19:10:39       CRI

DAHILAN sa magandang ani ng tubo, malaki ang posibilidad na makapaglabas ng may 300,000 metriko tonelada ng raw at refined sugar ngayong crop year na ito.

Ayon kay Agriculture Secretary Proceso J. Alcala, sa pagkakaroon ng aning umabot sa 2.39 milyong metriko tolenada para sa crop year na 2010-2011, nakita ang idinagdag ng may 21.3% kaysa inani noong nakalipas na taon.

Malaki ang posibilidad na maging regular na ang magandang ani ng asukal at higit na sa pangangialangan ng bansa at malalampasan na ang quota obligations. Ito ang pahayag ni Ginoong Alcala sa 17th Asia International Sugar Conference sa Cebu kamakailan.

Sa mga pangyayaring ito, malaki rin ang posibilidad na hindi na umangkat pa ang Pilipinas ng asukal at maging isa nang maaasahang supplier ng asukal para sa Timog Silangang Asia. Higit umanong nakatitiyak ang mga magsasakang kikita ng malaki sa oras na madagdagan pa ang ani ng mga tubohan sa Pilipinas.

Halos limang ulit ang itinaas ng inaning raw sugar na higit sa 623,500 metriko tonelada at dahilan na rin sa pagbagsak ng sugar consumption at umabot lamang sa 1.5 milyong metriko tonelada mula sa 1.8 milyong metriko tonelada mula noong 2009-2010.

Bumagsak ang presyo ng raw sugar mula P 2,480 bawat sakong naglalaman ng 50 kilo at umabot na lamang sa P 1,300.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>