|
||||||||
|
||
Sa Kandahar at Lashkar Gar, dalawang lunsod sa katimugan ng Afghanistan. Naganap dito kahapon ang 2 insidente ng suicide car bombing attack na ikinamatay at ikinasugat ng mahigit 40 katao.
Sinabi ng panig pulisya ng Afghanistan na ang Lalawigang Kandahar at Lalawigang Helmand ay pangunahing pinagtitipun-tipunan ng Taliban sa Afghanistan, at nananatiling masigla ang mga kilos ng Taliban sa mga rehiyong ito.
Noong ika-30 ng Abril ng taong ito, nagpalabas ng pahayag ang Taliban sa Afghanistan na nagsasabing sa unang araw ng Mayo, sinimulang ilunsad ang pang-aatake na may codename na "Badr" sa buong bansa, at nagiging target ng pang-aatakeng ito ang pambansang tropang panseguridad ng Afghanistan, tropang panseguridad ng North Atlantic Treaty Organization o NATO sa Afghanistan, mga mataas na opisyal ng pamahalaan at iba pa.
Salin: Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |